Sunday, June 5, 2011

certain shade of greens

Pagbibigay-pugay sa ganda ng kalikasan. Ang paglipad sa ibabaw ng mga luntiang ulap ay sadyang nakakapagpagaan ng pakiramdam. Lahat ay kaisa sa kalikasan, lahat ay parte ng sistema. Walang nakalulungkot na tanawin ng basura, puro tambak lang ng malalagong ugat ng mga punong walang sawang nagsisilbing payong sa gitna ng kaarawan. Tanging huni ng mga kulisap, ibon at isang malaking tuko lamang ang umaalingawngaw sa malinis na hangin. Sana'y magsilbing paalala sa bawat isa na ang tunay na kasiyahan ay makikita sa mga simpleng bagay na siyang nag-uugnay sa ating lahat. Damhin ang lamig ng bulong ng mga punong matagal nang nakabantay sa atin.

No comments: