Wednesday, July 6, 2011

Remembering CEBU

CEBU - hindi kita makakalimutan dahil sa...

Masasarap na pagkain

CNT LECHON

Bago ka umalis ng Cebu, wag kalimutang tikman ang CNT Lechon! Sa unang araw pa lang,
di na namin pinalampas ang pagkakataon na makakain ng sikat na baboy ng Cebu.
Kaya kahit alam naman namin ang tindi ng kolesterol nito ay pilit pa rin
naming hinanap sa kalagitnaan ng mall. Sa presentation pa lang maglalaway ka na
dahil sa harapan mo mismo tinatadtad ang mapulang karne at malutong na balat nito.

Kung ikukumpara ang lasa sa mga ordinaryong lechon na natikman ko, masasabing
masarap nga talaga ang CNT dahil kahit walang sarsa ay malasa.
Di na alintana ang peligro sa kalusugan kaya't walang pag-aatubiling
inubos ang kalahating kilong order. Oo kalahating kilo para sa dalawang tao!
Nang matapos kami ay sinabi ko sa sarili ko na hindi na ko uulit.
Mabuti na yung minsan na natikman ko ang pinagmamalaki ng Cebu!

~ººº~

CASA VERDE

Pagkatapos ng isang nakakapagod na araw sa pag-aayos ng mga
anek anek sa tindahan, diretso agad sa pagbibigay ng gantimpala
sa mga kumakalam na sikmura. Sabi nila masarap din daw kainan ang
Casa Verde, matatagpuan din sa Ayala Center Cebu.


Hindi naman kami binigo ng naturang kainan sapagkat sa paghihintay
pa lamang ng iyong order ay bubusugin na ang iyong mga mata sa mga
magagandang poster at kung anu-anong kakaibang disenyo ang naka-sabit sa pader.
Mayroong mga lumang poster, 3d poster, action figures, laruang truck,
sapatos na matigas, sikat na singer tulad ni Elvis Presley.
Maaliw din sa timpla ng ilaw na parang nasa isang pelikula kung saan nagsusugal
ang mga lalaking maaangas ang pagmumukha.


Agad namang pinutol ang aming paghihintay sa mabilis na pagdating ng aming order,
at laking gulat nalang namin dahil sa laki ng kanilang serving.
Sobrang sulit dahil talaga namang binusog kami ng tunay ng pork spare ribs!
Extra rice please!!!

~ººº~

DANGGIT


Sinabi ko sa aking sarili na hindi ako aalis ng Cebu ng malang bitbit na danggit.
Kaya naman walang pakialamanan kung mangamoy isda, basta't mabili ng pinatuyong isda.
Kung titignan ay mahal pero napakadami na pala ng 1/4 kilo. Sulit na sulit na para sa isang pamilya.

~ººº~

GOLDEN COURIE
Native Restaurant


Ang huling hirit sa pagpapataba - Golden Courie!
Pagkatapos mamalengke ng mga pasalubong na danggit, diretso na agad sa airport.
Pero dahil alam naming napakamahal ng mga bilihin doon ay sinulit na namin ang mahal
pero madami at siguradong masarap na pagkain. Ang pinaka-masaya pa ay ang
kanilang unlimited rice! Sa tatlong ulam na aming sinubukan, lahat panalo.
Gulay, karne at sabaw ay sya namang nakakapagpangiti ng gutom na sikmura.


Chicken Pandan! na parang neck tie ni Emy


Adobong kangkong na ubod ng sarap!


nyamnyamnyamnyam!

~ººº~

Kasaysayan

MAGELLAN'S CROSS
Mactan


Kahit di ako Katoliko, aking sinulyapan ang Krus ni Magellan.
Masasabing isa nga ito sa pinupuntahan ng mga turista dito sa Cebu, ito rin
ay nagsisilbing paalala sa lahat ng Pilipino kung paano nagsimula
ang Relihiyong Katoliko.


Sa paligid nito ay may mga debotong nagtitinda ng kandila na hindi ka lulubayan
hangga't sinabi ko nalang na iba ang aking relihiyon.
Nandito lang naman ako para mamangha sa ating kasaysayan at sining.

~ººº~
Kasama sina Anne at Franco sa tatlong araw namin dito sa Cebu,
Masasabi kong sulit naman kahit halos buong araw ay nagtatrabaho kami sa
mga mall. Kahit nawala ang cellphone ko na hinabol pa namin yung pedicab driver,
nawa'y napakinabangan nya ng husto iyon ngayon.
Aking babalikan ang lugar na ito, at sa susunod na pagkakataon ay
lilibutin ko ito hanggang sa pinaka-liblib na bayan nito.

~ººº~



No comments: